Napatalsik na dating Presidente ng Mali na si Ibrahim Boubacar Keita, pumanaw na

Sumakabilang buhay na sa edad na 76 ang napatalsik na Presidente ng Mali na si Ibrahim Boubacar Keita.

Hindi naman inilahad ng pamilya kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng dating Presidente pero matatandaan na nagkaroon ito ng minor stroke, dalawang taon na ang nakakaraan.

Si Keita ay pitong taong naging Pangulo ng Mali hanggang sa mapatalsik ito noong 2020 sa pamamagitan ng kudeta.
Nagsilbi din itong socialist Prime Minister mula 1994 hanggang 2000.

Samantala, inaasahang isasagawa ang eleksyon sa Mali sa susunod na buwan matapos mapalawig ang military rule mula Mayo noong nakaraang taon hanggang maidaos ang halalan sa Pebrero.

Leave a Reply

Your email address will not be published.