Narekober na ang yateng umano’y ginamit at pinagkargahan ng nasa 1.4 toneladang shabu

Narekober na ng Bureau of Customs ang umanoy ginamit na yate na pinagkargahan ng nasabat na 1.4 tonelda ng shabu sa Alitagtag, Batangas.

Sa inilabas na pahayag ng Bureau o Customs, sa kanilang pakikipag tulungan sa Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency ay natagpuan na nila ang yateng ginamit ng mga suspek upang ipuslit sa bansa ang nasabat na kahon-kahong shabu.

Kabilang din sa nadiskubre ng BOC ang tatlong pribadong yate na hindi dokumentado, na pagmamay-ari rin ng indibidwal na siyang nagmamay-ari ng yateng pinagkargahan ng mga shabu.

Matatandaan na noong April 15, 2024 nang masabat ng mga awtoridad ang nasa mahigit P9.68 bilyong halaga ng shabu, mula sa isang check point sa Alitagtag, Batangas. Sa ngayon ay kasalukuyang nakadaong sa Nasugbu, Batangas ang mga yateng narekober at nakatakda itong i-turn-over sa Port of Manila Auction at Cargo Disposal Division, alinsunod sa Customs Administrative Order No. 10-2020 o ang Seizure and Forfeiture Proceedings and Appeals Process.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *