Narra Mayor Danao, kinuwestiyon ang Narra water supply system sa hindi umano pagtugon sa reklamo

Kinuwestyon ni Narra Mayor Gerandy Danao ang maintenance activity ng Narra Water Supply System sa harap ng mga empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng Narra, Palawan.

Sa ginanap na flag raising ceremony ngayong Martes, hinanap ng alkalde ang paliwanag ng maintenance team tungkol sa reklamo umano ng ilang konsyumer sa Narra.

Itinanong kasi ng punong bayan kung tinutugunan ng mga tauhan ng water supply system ang kliyente ng mga ito.

Ayon kay Mayor Danao, may balita siya na kapag may nais magpaayos ng linya ng tubig ay halos ayaw puntahan ng maintenance team ngunit kapag may magpapakabit ng linya ay nag-aagawan ang mga ito.

Gayunman, walang kumibo sa mga tauhan ng water supply system habang nagsasalita si mayor Danao kanina.

Samantala, kinukuha pa ng Brigada News FM ang paliwanag ng opisina sa naging pahayag ng alkalde.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *