Narra Mayor Gerandy Danao, sumagot na sa naging kontrobersyal na flag raising ceremony

Nagsalita na si Narra Mayor Gerandy Danao sa isyu ng ‘sobra- sobra’ umanong oras sa flag raising ceremony ng mga empleyado ng Lokal na Pamahalaan.

Ayon sa alkalde sa flag raising ceremony kanina, hindi umano dapat ituring na ‘big deal’ ang usapin at dapat aniyang lahat ng empleyado ng pamahalaan ay dumadalo sa  seremonya tulad ng president.

Idinagdag pa niya, hindi lumalagpas sa alas-nwebe ng umaga ang seremonya tuwing araw ng Lunes.

Napag-alaman din ng punong bayan na ang napaulat na ang hinimatay habang nakapila sa flag raising kamakailan ay hindi umano nag-agahan o kumain kaya ito’y natumba.

Sa kabila nito, hinamon ni Danao ang mga nais makisawsaw sa naging usapin na maging Mayor muna.

Samantala, ang flag raising ceremony kanina ay nagtapos sa ganap na alas-otso katorse ng umaga subalit wala roon sina SB member Joel B. Bito- Onon at ang naka-debate nito na si Jojo Gastanes na tagapagsalita ng alkalde.

“Totoo, may nahihimatay dito sa flag raising… totoo may nahimatay. Anong sinabi, dahil hindi pa raw kumakain nag-attend na ng flag ceremony. Kasalanan ba ng taga- LGU na hindi kayo kumain bago kayo umattend dito?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *