Narra Sb Joel Bito-Onon, tinawag na sinungaling ang tagapagsalita ni Mayor Gerandy Danao

Tinawag na sinungaling ni Narra SB Member Joel B. Bito- Onon ang tagapagsalita ni Mayor Gerandy Danao  na si Jojo Gastanes.

Sa programang Tira Brigada, inihayag ni Bito-Onon na ang kanyang kaso ay tungkol sa Malversation of Public Property tungkol sa ambulansya ng munisipyo na hindi niya nai-turn over sa bagong LIGA President.

Ang kasong ito ay patuloy na dinidinig umano sa higher court at mayroon siyang motion for reconsideration.

Idinagdag ng lokal na mambabatas na dapat patunayan ni Jojo Gastanes ang inihayag nito na may kaso ang konsehal na “Malversation on Public Funds” dahil magkaiba umano ang “funds” sa “property”.

Kaugnay nito, magsasampa si Sb Bito-Onon ng libel case kay Gastanes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *