Nasa 2, 000 food packs mula sa Provincial Government hinatid sa bayan ng Mercedes

CAMARINES NORTE- Naihatid kahapon sa bayan ng Mercedes ang nasa 2, 000 food packs mula sa Provincial Government  sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO)para sa mga nasalanta ng bagyong Paeng.

Ayon sa Lokal na Pamahalaan ipinaabot ang ayuda sa Internally Displaced Individuals ng Mercedes na lubhang naapektohan ng bagyo.

Malaking tulong umano ang mga dumating na food packs para sa nasa 1,500 na households na lumikas sa iba’t-ibang evacuation centers sa buong bayan.

Ang mga tauhan ng Philippine Army ang naghatid ng nabanggit na bilang ng food packs.

Matatandaan na una na ring naipamahagi ang kahon- kahong food packs mula naman sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong pagtama ng bagyo.

Ito ay bahagi ng karagdagang 700 sa naunang 1,490 boxes na hiniling ng LGU.

Sa ngayon ay patuloy pa ang rapid assessment hinggil sa pinsalang idinulot ng bagyo s anaturang bayan.

Photo: Mayor Alex FB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *