Nasa 344 indibidwal na nais mag pulis, sumailalim sa PNP Entrance Exam ng NAPOLCOM sa Catanduanes

Virac, Catanduanes- Nasa 344 na mga Catandunganon na nangangarap makapasok sa serbisyo at maging kawani ng Philippine National Police ang sumailaim sa PNP Entrance Examination nitong araw ng Sabado.

Isinagawa ang naturang aktibidad sa Catanduanes National High School sa bayan ng Virac na pinangunahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) Regional Office V.

Nabigyan ng katuparan ang pagsasagawa ng PNP Entrance Exam sa islang lalawigan ngayong taon, sa pamamagitan ng naipasang Resolution No. 164-2021 ni Provincial Board Member East District Lorenzo Templonuevo Jr.

Malaking bagay ito para sa mga nais na mag pulis sa Catanduanes dahil hindi na nila kinailangan pang gumastos ng malaki at bumiyahe ng malayo, kung dadayo pa ang mga ito sa lungsod ng Legazpi sa Albay para lamang makapag exam.

Samantala, bago ang pagsusulit sumailalim muna ang lahat ng examinees sa Antigen Test habang mahigpit namang ipinasunod ang minimum health protocols sa venue upang maiwasan ang posibleng hawaan ng COVID-19.

Nitong nakaraang 2020 pa sana isasagawa ang nasabing aktibidad sa lalawigan ngunit makailang ulit itong nakansela dahil sa pandemya.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *