JOSE PANGANIBAN, CAMARINES NORTE – Nasa 41 pares ang nag”I DO” sa handog na kasalang Barangay ng LGU Jose Panganiban
Ang pagiisang dibdib ay ginanap sa loob ng dalawang araw kung saan , 26 na pares ang ikinasal mula sa Barangay Calero at 15 naman mula sa Barangay San Jose
Batch by Batch at hindi sabay-sabay ang ginanap na kasalan upang makasunod sa 50% holding capacity ng Venue
Ang kasalang Barangay na ito ay bahagi ng mga aktibidad bilang pagunita sa magkasunod na Barangay Fiesta ng Calero at San Jose.
Katuwang ng LGU Jose Panganiban at ng Municipal Civil Registrar’s Office ang kani-kanilang mga Barangay Councils sa pag-aasikaso ng nasabing kasalan.
Tiniyak naman ng naturang LGU na mahigpit na naipatupad ang Health safety protocols habanag isinasagawa ang pagiisang dibdib ng mga magkakapareha

