Nasa 44K na mga indibidwal sa Catanduanes, target mabakunahan sa National Vaxx Days

BNFM BICOL—Dinagsa ng publiko ang unang araw ng pagsisimula ng National Vaccination Days sa islang lalawigan ng Catanduanes.

Isinagawa ang launching ng aktibidad sa multi-purpose building ng Brgy. Baybay sa bayan ng Caramoran dahil dito naitala ang mababa at nahuhuling vaccination effort kung ikukumpara sa ibang mga bayan sa probinsya.

Ayon kay Catanduanes Provincial-DOH Officer Dr.Robert Johnn Aquino, target nilang makapagbakuna ng 14,828 na mga indibidwal sa bawat araw ng vaccination days, alinsunod sa 44,000 individuals na target mabakunahan ng DOH sa loob ng tatlong araw na bakunahan sa islang lalawigan.

Dagdag pa ng opisyal, kailangan umano ang partisipasyon ng mga residente sa lugar upang makamit ang herd immunity pagkatapos ng National COVAX Vaccination Day.

Ngayong araw, November 30, nasa Viga Plaza ang vaccination team ng DOH upang bakunahan ang 500 pediatrics vaccine at 500 indibidwal na kabilang sa adult population.

Habang bukas, December 1, nasa Virac Gymnasium naman ang nasabing vaccination team para maturukan ang 500 hanggang 1,000 pediatrics vaccinees at 500 indibidwal na kabilang sa adult population.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *