Nasa 6-libo mag-aaral ng CamHigh makikiisa sa Nationwide Simultaneous Earthquake drill mamaya

NAGA CITY- Makikiisa ang Camarines Sur National High School sa mangyayaring Nationwide Simultaneous Earthquake Drill mamaya.

Sa panayam ng Brigada  News FM Naga kay Principal Dr. Sulpicio Alferez III, sinabi nito na aabot sa anim na libong mga mag-aaral sa Liboton Annex ang makakasama sa drill; mga Grade 7 hanggang  Grade 9 o mga Junior high School na nasa naturang campus.

Kasama nila rito ang Bureau of Fire Protection o BFP  at City Disaster Risk Reduction and Management Council. Sa naging pagpupulong klahapon, sinabi ng ilan sa kanila na malaking hapon ang matataas na gusali kung magrerescue kaya dapat itong pag-aralang mabuti.

Ookupahin sa aktibidad mamayang ala-una haggang alas-3  ng hapon ang Melchor T. Villanueva Avenue , simula sa may Minds That Matter hanggang sa maydaan patungo sa Acacia Street.

Ayon kay Alferez, mahalagang batid ng mga nasa paaralan ang gagawin sa tuwing may lindol at kung saan pupunta upang maging ligtas sa sakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *