Nasa 9 na mga katao-patay sa isa nanamang ‘mass shooting’ sa Amerika

HINDI bababa sa siyam na mga katao ang nasawi sa isa nanamang ‘mass shooting’ sa Amerika.

Batay sa ulat, nangyari ang insidente sa isang mall sa Texas nitong Sabado, kung saan ayon sa mga otoridad, bigla na lamang umanong pumasok sa naturang mall ang lalaki at agad na namaril.

Nagkataon namang nasa loob ng mall ang isang pulis na siyang rumesponde at bumaril sa suspek.

Edad lima hanggang 51-taong gulang ang mga naitalang biktima habang napatay naman ang suspek na sa kasalukuyan ay hindi pa alam ng mga pulis ang motibo sa pamamaril.

Wala naman umanong nadamay na Pilipino sa insidente.

Samantala batay sa datus, umabot na sa 198 mga insidente ng mass shooting ang naitala sa Estados Unidos ngayong taon.### JDR via Reuters/ BBC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *