Nasa mahigit 260 milyong piso iniwang pinsala ng bagyong Paeng sa lalawigan ng Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Umaabot sa Php 262,135,706.25  ang iniwang pinsala ng bagyong Paeng matapos ang pananalasa nito sa lalawigan ng Camarines Norte

Base sa inisyal na report mula sa Provincial disaster Risk reduction and management office nagdulot ng pinakamalaking pinsala ang bagyo sa sektor ng Agrikultura at pangingisda, imprastraktura at pagkasira ng linya ng mga kuryente

Umaabot sa Php 139,135,706.25 ang naidulot nitong pinsala sa agriculture at fisheries sector, habang umaabot sa PhP 123,000,000.00 ang naging pinsala ng bagyo sa imprastruktura

Nasa 8 ang mga nasirang kabahayan at 87 ang partially damaged

Umaabot naman sa 8,441 Families at 30,875 Individuals ang inilikas at dinala sa mga evacuation centers

Naparalisa rin ang serbisyo ng kuryente sa buong lalawigan ngunit sa kasalukuyan nasa 60% na ang napapailawan kung saan sampu sa labing dalawang bayan sa lalawigan ay may kuryente na partikular ang mga Poblacion Barangay.

Habang natanggal na ng maintenance at clearing team ng Department of Public Works and Highways ang mga malalaking kahoy sa Maharlika Highway na nabuwal ng bagyong Rolly kung saan passable na ang mga pangunahing lansangan sa probinsya

Habang 7 katao ang naiulat na  nasugatan na agad namang nabigyan ng atensyong medical

Hindi naman naapektuhan ang serbisyo ng patubig at komunikasyon sa lalawigan maging ang internet connections

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang ginagawang assessment at monitoring  ng Provincial Govt at mga katuwang nitong ahensya kaugnay sa kasalukuyang situwasyon ng probinsya matapos ang bagyo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *