OLONGAPO- Pumalo na sa pitumpo ang bilang ng mga nasawi sa Olongapo dahil na rin sa covid-19.
Kahapon ay isa na naman ang pumanaw base sa report ng Local Inter-Agency Taskforce at ito ay si PHOC-1502.
Liban dito ay nadagdagan naman ng apat ang positibong kaso na dahilan para pumalo na ang confirmed cases sa 1,516 habang mula dito ay nakarekober na ang 1,278 at 168 ang aktibo.
Panawagan ng IATF sa publiko na iwasan ang paglabas kung hindi kailangan at tiyakin ang pagpapatupad ng minimum health standards para hindi na dumami pa ang naitatalang kaso araw-araw.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
