Local News

Nasirang gamit sa paaralan na ginamit bilang quarantine facility, aayusin at papalitan ng City-LGU

SORSOGON CITY – Gagawan ng paraan upang matulungan, tugon ito ni City-LGU Administrator Atty. Mark Gerald Guirindola sa harap ng impormasyon at reklamo ng ilang school head hinggil sa diumano’y pagkasira ng ilan sa mga kagamitan sa mga silid-aralan na ginamit bilang quarantine facility.

Sa pahayag ng opisyal, sinabi nito na hindi nila ito puwedeng ipagsawalang bahala lalo pa at batay sa kanilang kasunduan sa Department of Education (DepEd), ang City-LGU ang mangangasiwa sa maintainance ng mga gagamitin at ginagamit bilang quarantine facility.

Aniya, ang pagiging responsable sa mga nasabing insidente ay obligasyong hindi maaaring takasan ng City-LGU lalo pa at ang pagkasira ng nasabing mga gamit ay hindi naman umano sinasadya ng mga indibidwal na gumamit sa nasabing mga pasilidad.

Pangako ng opisyal sisikapin nilang magawan ng paraan upang muling maayos at mapalitan ang mga nasirang gamit kung san tiniyak nito na mayroon namang pondong nakalaan ang City-LGU para sa mga nasabing bagay.

Una rito, binigyang diin ng opisyal na tanging mga paaralan  na ginamit bilang quarantine facility na nasa pangangalaga ng City LGU ang maaari nilang tulungan.

PHOTO: Sorsogon City DRRMO

BNFM Sorsogon

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago