National Achievement Test sa tatlong eskwelahan sa Camarines Norte inilipat sa  Pebrero 2 dahil sa naranasang malalakas na pag ulan noong nakaraang linggo

CAMARINES NORTE- Inilipat sa Pebrero 2 ang pagsasagawa ng National Achievement Test (NAT) sa tatlong eskwelahan sa lalawigan ng Camarines Norte sa halip na ngayong araw.

Sa impormasyon mula kay Administrative Officer V Antonio Ahmad, Public Information Officer ng Schools Division Office, inirekomenda umano ng Bureau of Education Assessment (BEA) na gawin sa nabanggit na petsa ang NAT sa Pambuhan High School, Colasi Integrated School at Lalawigan High School, lahat sa bayan ng Mercedes.

Dahil yan sa naranasang malalakas na pag ulan noong nakaraang linggo na nagdulot ng pagkasira ng spillway sa Pambuhan kaya  hindi madaanan ang kalsada.

Bunsod nito hindi naging accessible ang mga coastal barangay ng naturang bayan para sa test administrators at majority ng test takers simula noong weekend.

Batay sa memorandum  ni DepEd Undersecretary Epimaco Densing III na may petsang Enero 5, lahat ng Grade 12 students sa mga pambubliko at pribadong eskwelahan sa bansa ay isasailalim sa NAT simula ngayong araw, Enero 30 hanggang 31.

Sesentro ang exam sa 21st-century skills at sa core senior high school (SHS) learning areas of Languages, Humanities, Communication, Mathematics, Science, Social Science at Philosophy.

Ang test ay multiple-choice format gamit ang wikang Ingles at Filipino.

Sa tala ng DepEd aabot sa 13, 011 ang NAT12 takers sa Camarines  Norte.

Nagpaalala naman si Schools Division Superintendent Nympha Guemo sa mga magulang na ihanda ang kanilang Grade 12 students sa nabanggit na exam.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *