National anti-insurgency task force, nagdagdag ng 6 pang spox

Nagtalaga ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac) ng anim pang karagdagang mga tagapagsalita para mapalakas ang kanilang communications team sa kabila ng panawagan na tanggalan ng pondo ang anti-insurgency body, matapos mabatikos ang hakbang ng dalawa nilang tagapagsalita.

Ayon kay National Security Adviser and NTF-Elcac Vice-Chairman Hermogenes Esperon Jr., na pagdadagdag sa bilang ng mga spokesperson sa walo ay nakikitang lalong maisusulong ang paninidigan ng task force sa ilang mga issues.

Dagdag ni Esperon, ang walong spokespersons ay mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno, kung saan ang anim na iba pa ay kinabibilangan nina Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya para sa local government affairs, barangay development program, at international engagement;
Presidential Human Rights Committee Secretariat Undersecretary Severo Catura para sa international affairs, peace process, at human rights concerns; Presidential Task Force on Media Security executive director Joel Egco para naman sa mass media engagements, at fact-checking.

Kasama rin sa bagong talaga si Metropolitan Manila Development Authority spokesperson Celine Pialago na hahawak sa NTF-Elcac public affairs and information, maging sa youth concerns; Atty. Marlon Bosantog para sa legal affairs at indigenous peoples’ concerns; at Assistant spokesperson Gaye Florendo para naman sa public affairs at indigenous peoples’ concerns.

Paliwanag ni Esperon, kailangan ng NTF-Elcac na magdagdag ng mas marami pang spokespersons, dahil pinatunayan umano ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na sila ay “multifaceted at multilayered.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *