National Board of Canvassers, all-set na sa Lunes

Dry run ng pagtanggap ng election documents, isinagawa sa Senado

Ilang araw bago ang halalan, nagsagawa na ng opisyal na dry run ang mga tauhan at personnel ng Senado para sa mga gagawin nitong tungkulin ngayong eleksyon.

Nag-sanay ang mga empleyado ng Senado sa pagtanggap at pag-iimbak ng mga Certificates of Canvass, pati na rin ang pag-receive ng mga Election Returns.

Sinubukan ang lahat ng mga election canvassing procedures mula sa pagtanggap at pag-seal ng mga ito.

Kabilang sa magiging tungkulin ng mga empleyado ng mataas na kapulungan ay ang pag-check sa kondisyon ng mga ballot boxes; pag-kumpirma ng mga serial number nito; at pati na rin ang pag-turnover ng susi at mga kandado.

Bago ito, una nang ipinakita sa media ang lugar kung saan ikakandado ang mga election documents.

Samantala, muli namang nabanggit ng Senate officials na naka-live-stream ang lahat ng mga aktibidad mula sa pagtanggap hanggang sa pag-turnover ng mga election documents sa Kamara.

Ito umano ay para matiyak na makikitang publiko kung sino ang mga lalabas at papasok ng pasilidad.

Mababatid na ang Senado at ang Kamara ay nakatakdang mag-convene bilang National Board of Canvassers kung saan ay opisyal na ilalabas ang bilangan para sa mga national candidates, pati na rin ang opisyal na proklamasyon ng mga mananalong kandidato.


House officials, tiniyak na handa sa canvassing

Tiniyak ng mga opisyal ng House of Representatives na magiging transparent ang bawat hakbang ng Kamara para sa canvassing ng national candidates.

Ayon kay House Secretary General Dong Mendoza, naka-livestream ang lahat ng kilos ng mga personnel at tauhan ng Kamara para masigurong bukas sa publiko ang kanilang canvassing.

Samantala, muling nagpulong ang mga empleyado at opsiyal ng Kamara para paghandaan at alamin kug ano pa ang mga kinakailangan para sa pagbibilang ng mga boto simula Lunes.

Tiniyak ng mga ito na nakalatag na ang lahat ng mga security measures para masigurong mapoprotektahan ang integridad ng mga boto ng mga Pilipino.

Maliban pa rito, sinanay din ang mga tauhang magsisilbing operator ng Consolidation and Canvassing System.

Pinaghahandaan na rin ang Session Hall sa Batasan Complex kung saan ay nakatakdang magconvene ang dalawang kapulungan ng Kongreso para sa bilangan.

Sa huli, tiniyak ni Mendoza na ginagawa ng kanilang mga personnel ang lahat para masigurong tapat, malinis, at ligtas na mabibilang ang mga boto para sa 2022 national candidates.


UST, handa na sa gagawing unofficial canvassing

Puspusan na ang paghahanda ng pamunuan at mga personnel ng University of Sto Tomas para sa mga election-related activities na isasagawa rito.

Nakatakdang idaos ang unofficial quick count ng Commission on Elections at ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV sa nasabing pamantasan.

Sa ngayon, naitatag na ang mismong pasilidad na gagamitin para sa unofficial canvassing simula sa Lunes.

Maliban sa PPCRV activities, ang UST rin ang magsisilbing hub para sa Transparenc Media ng COMELEC.

Dito ipadadala at kukuhain ang datos ng resulta ng mga botohan para sa mga kawani ng media at iba pang mga election watchdogs.

Bago ito, una nang tiniyak ng PPCRV na handang-handa na sila at ang kanilang mga volunteers para sa bilangan sa Lunes.

Sa panayam ng Brigada NewsFM kay PPCRV counsel and spokesperson Atty. Van dela Cruz, sinabi nitong all-set na ang nasa 500,000 na mga volunteers nila sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Una nang nagsuspinde ng klase ang pamunuan ng Pamantasan mula May 9 -10 para masigurong makaboboto ang mga Tomasians.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *