Ilalarga ng Commission on Election ang isang national complaint center, sa ilalim ng kanilang binubuong Kontra-Bigay Committee para sa nalalapit na Barangay at SK Election ngayong taon.

Sa laging handa public briefing, sinabi ni Atty. John Rex Laudiangco na ang pagbuo ng Kontra-bigay committee ay alinsunod sa COMELEC resolution 100946.
Tatanggap ang National Complaint Center ng mga reklamo hinggil sa mga namimili at nag bebenta ng boto.
Binubuo ito ng PNP, NBI, Bangko Sentral ng Pilipinas, Anti-Money Laundering Council, DILG, DOJ at National Prosecution Service.
Kaya sa oras na matanggap ang reklamo hinggil sa vote buying at selling, tuloy-tuloy na ang pagsasagawa ng case build up, investigation, hanggang sa prosecution at conviction.