Editors Pick

National declaration ng state of calamity dahil sa COVID-19, posible umanong hindi na palawigin

Kumpiyansa si Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na hindi na kailangan pang i-extend ang deklarasyon ng state of calamity sa buong bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Ito umano ay sa kundisyong maipapasa ng Kongreso ang panukala para sa pagbuo ng sariling Center for Disease Control o CDC sa bansa.

Matatandaaang na-extend na ang nationwide declaration ng state of calamity hanggang sa pagtatapos ng taon.

Sa Media Forum, sinabi ni Vergeire na ang kahalagahan ng implementasyon ng state emergency ay para sa mga inisyung emergency use authorization (EUA) sa mga bakuna, benefits ng mga healthcare workers, monitoring sa presyo ng mga commodities, at vaccine procurement.

Kahit na ma-expire na ang state of calamity declaration, pasok pa rin aniya sa mga probisyon ng CDC Bill ang mga nasabing benepisyo nito.

Sakali mang hindi ma-enact ang panukala, irerekumenda pa rin umano ang extension ng state of calamity para hindi mawalan ng bisa ang mga EUA sa bakuna.

Samantala, kinumpirma rin ni Vergeire na inaaral na nila ang posibildad na gamitin bilang third booster dose ang mga new generation vaccines para sa mga senior citizens, immunicompromised individuals, at mga healthcare workers.
#

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

10 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

10 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

10 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

11 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

11 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

11 hours ago