CAMARINES NORTE- Nagsimula ang unang araw ng pagsasagawa ng National Disaster Resiliency Month ng MDRRMO sa bayan ng Daet nitong araw ng lunes, ika-3 ng hulyo taong 2023.
Magsasagawa ang MDRRMO ng mga aktibidad kaugnay sa temang “Building stronger Filipino well-being towards disaster resiliency”.
Isa sa mga aktibidad na isasagawa ng nasabing ahensya ay ang Training for trainers for basic life support, ito ay naglalayon na turuan ang mga trainees para magturo sa sambahayan ng iba’t ibang barangay kung saan magkakaroon ng kaalaman ang kahit isa sa bawat tahanan ng paunang lunas.
Bago pa magsimula ang nasabing aktibidad ay nagkaroon din ng showcasing response equipment ang ahensya upang gamitin ng mga volunteers responders at ng mga tauhan sa LGU. para magbigay kaayusan sa panahong nasasalanta ng bagyo, baha, at iba pang kalamidad ang bayan ng Daet.
Samantala, inihanda rin nila ang team ng Community Health Emergency Service para tugunan ang pangangailang medical prior, before, during, and after ng anumang kalamidad.
Binigyang diin naman ni Officer Santiago Mella Jr. ang tema ng aktibidad kaugnay sa pagiging handa sa anumang kalamidad ang mga residente sa nasabing bayan.
