Local News

National rice awareness month ng DA Phil-Rice Bicol, ipinagdiriwang ngayong buwan ng Nobyembre

LEGAZPI CITY – Ipinagdiriwang ngayong buwan ng Nobyembre ang National Rice Awareness Month (NRAM) sa pamamagitan ng mga serye ng aktibidad para sa mamamayan upang magkaroon ng kaalaman sa pagiging responsable.

Ang tema ng pagdiriwang na ito ay “Ready? Set rice! RICE-ponsible Filipinos, Save Rice Eat Healthy and Try Brown Rice.”

Ayon sa Department of Agriculture Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice) Bicol, ang pagdiriwang ngayong taon ng NRAM ay maghihikayat sa bawat Pilipinong kumain ng sapat na kanin at magluto o magsaing ng brown rice at rice mixes.

Ang RICE-ponsible ay mula sa salitang rice at responsible.

Hinihikayat din nito ang publiko na maging calorie-wise dahil sa iniulat ng isang pag-aaral mula sa Harvard School of Public Health na ang carbohydrate content ng isang bowl ng kanin ay katumbas ng dalawang lata ng softdrinks.

Sa halip umanong white rice ang kainin, maaaring brown at pigmented rice, at kumain ng mas maraming corn grits, saba, kamote at kamoteng kahoy.

Samantala, ipinagdiriwng din ang ikatatlumpu’t dalawang anibersaryo ng pagkakatatag ng DA Phil- Rice na may temang “Charting the Courses of Rice Secure Philippines.”

BNFM Legazpi

Recent Posts

Mas mahigpit na visa controls laban sa Chinese student applicants, ipinanawagan ng isang kongresista

Hinimok ni Cagayan De Oro City Representative Rufus Rodriguez ang Department of Foreign Affairs na…

13 mins ago

Councilor ng Naic, Cavite arestado, mga baril at granada nakumpiska ng CIDG

Himas rehas ang municipal councilor ng Naic Cavite na si Maria Teresa Puno sa ikinasang…

33 mins ago

Bagong panganak na sanggol, itinapon sa septic tank

Nagulat ang mga Taga-Brgy. Tagburos, Puerto Princesa City nang makita ang isang bagong panganak na…

35 mins ago

Usa ka batan-on sakpan sa pagpangawat sumala pa sa boarding house sa usa ka airport police

NAKA KUSTODIYA karon sa Makar Police Station ang usa ka batan-ong lalaki human nga nadakpan…

37 mins ago

BI, nanawagan ng inter-agency action sa gitna ng isyu sa pagtaas ng bilang ng mga Chinese students sa bansa

Nanawagan ang Bureau of Immigration ng agarang aksyon mula sa iba't ibang ahensya sa gitna…

43 mins ago

Lalaki, arestado matapos mahuli sa akto habang humihithit ng hinihinalang marijuana sa Mauban, Quezon

Arestado ang isang lalaki matapos itong mahuli sa akto habang humihithit ng hinihinalang marijuana sa…

56 mins ago