National Security Council hinimok na magsagawa ng security audit sa DITO

Muling ipinanawagan ni Senador Risa Hontiveros sa National Security Council na magkaroon ng security audit sa DITO telecommunity.

Ayon sa mambabatas kailangan ito ngayon lalo’t tumitindi ang pag-arangkada ng mga barko ng China sa West Philippine Sea.

Iginiit ng senadora na hindi lamang ang seguridad sa karagatan ang dapat paigtingin kundi pati na ang seguridad sa internet.

Magugunitang una nang kwenestiyon ng mambabatas ang umano’y pagtatayo ng mga cell sites ng DITO sa loob mismo ng mga kampo ng Armed Forces of the Philippines.

Paliwanag ng senador na hindi siya kampante sa DITO, lalo na’t ang China-owned ChinaTel ay siyang nagmamay-ari din ng third telco na umanoy na-delist sa New York Stock Exchange.

Bababala pa nito na pursigido ang China sa panghihimasok sa teritoryo at ekonomiya ng Pilipinas, kaya dapat bantayan ang mga industriyang pinapasok nila sa loob ng ating bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *