National Tax Allotment ng So.Cot sa 2023, mababawasan

KORONADAL CITY- ABALA na ngayon ang mga department heads sa provincial government ng South Cotabato para sa budget preparation sa taong 2023.

Inihayag ni Governor Reynaldo Tamayo Jr na mababawasan ng 14% o P 300 million ang National Tax Allotment o NTA ng lalawigan sa susunod na taon dahilan kung bakit may ipatutupad na budget ceiling sa lahat ng departamento.

Ang pagbaba ng NTA o tinatawag noon na Internal Revenue Allotment o IRA ay hindi lamang sa South Cotabato kundi sa lahat ng LGU sa bansa.

Sa kabila nito, inihayag ng gobernador na walang masasakripisyo o maaapektuhan na mga programa at proyekto.

Samantala, pinasiguro naman ng Sangguniang Panlalawigan kay Governor Tamayo na hindi na mauulit ang nangyari noong nakaraang taon kung saan naantala ang pagpasa sa annual budget 2022 na nagresulta sa re-enacted budget.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *