Nationwide earthquake drill para sa Big One, itinkada ng OCG sa March 9

Isasagawa ng  Office of Civil Defense sa March 9 ang National Simultaneous Earthquake Drill para tulungan ang publiko na maghanda sa The Big One na maaaring tumama sa Pilipinas.

Sa isang panayam, sinabi ni OCD Joint Information Center head Diego Mariano ,  ang NSED ay gaganapin quarterly, at ang unang leg ngayong taon ay sisimulan sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.

Magkakaroon aniya ng ceremonial sounding ng buzzer na magiging hudyat sa sa pagsasagawa ng duck, cover, at hold.

Bukod sa pamamaraang ito, sinabi ni Mariano, isasagawa din ng mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya ang tabletop exercise para sa decision-making scenarios kung sakaling magkaroon ng malakas na lindol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *