Natl cold chain, handa na para sa 3-day National Vaxx Day

Handa na ang National cold chain management at logistics partner ng pamahalaan para sa isasagawang tatlong araw na National Vaccination Day laban sa covid-19.

Sa isang pahayag, tiniyak ng Pharmaserv Express na ang cold chain facility nito sa Marikina City ay may sapat na kapabilidad na mag-package at mamahagi ng iba’t-ibang brand ng bakuna kontra covid-19 na nangangailangan ng magkakaibang temperatura.

Ayon sa Pharmaserv, gumagamit sila ng biothermal case system sa packaging ng mga bakuna para ligtas itong maihatid.

May sapat rin anila silang mga tauhan at assets para maibyahe ang mga bakuna sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas via land, air and sea.

Sa ngayon, labing-anim na milyong doses ng iba’t-ibang brand ng bakuna ang nakaimbak sa cold chain facility at ilalabas na ito sa mga susunod na araw.

Sa November 29, 30 at December 1 ang mga napiling petsa ng gobyerno para sa National Vaccination Day kung saan target na mabakunahan ang 15 milyong katao para mapataas ang vaccination rate ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *