Sinalubong ng abot gutter na tubig ang mga mananakay na dumaan sa bahagi ng Taft corner General Malvar dito sa Manila kaninang umaga dulot ng Bagyong Falcon.
Base ito sa naging pag-iikot ng Manila Disaster Risk Reduction Management (DRRMO) kung saan wala namang naiulat sa ilang pangunahing daan kagaya ng Blumentrit, Rizal cor. Solis exit, Abad Santos cor Solis, Pedro Gil cor Taft, Taft cor. UN ave ; ayala, at sa iba pang mga daan.
Samantala, naialis na ng Manila DRRMO ang natumbang puno sa Brgy 684 sa Paco kahapon matapos na iulat kaagad ng ilang concern citizen at wala namang naidulot na sakuna.
Pinaaalalahanan naman ng Manila Public Information Office (PIO) ang lahat ng mga taga Maynila na magt-ingat at maging alerto lalo na ngayon na maulan ang lagay ng panahon.
#