Natural causes, dahilan ng pagkamatay ni Tina Turner

Natural causes ang dahilan ng pagkamatay ng Queen of Rock ‘n’ Roll na si Tina Turner.

Kinumpirma ng kanyang representative na namatay ang singer sa kanyang tahanan sa Switzerland noong May 24 matapos ang matagal na pakikipaglaban sa cancer sa bituka at high blood.

Dahil sa sakit, naapektuhan din daw ang kanyang kidney na humantong sa kanyang transplant surgery noong 2017.

Hindi naging madali ang umpisa ng career ng iconic artist na si Turner, noong 1984 ang naging comeback nito dahil sa kaniyang multiplatinum album na “Private Dancer” at ang No. 1 hit nitong, “What’s Love Got to Do With It.”

Naging isang global superstar si Turner, nakilala sa kaniyang spiky wigs, short skirts at famous long legs na pinaparisan niya ng three-inch heels.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *