Walang kalagyan ang paghihinagpis ng isang Asawa at Lolo ng mga nasawing biktima sa tumaob na motor banca Aya Express sa Binangonan, Rizal matapos na hindi makaligtas sa insidente ang kanyang kapamilya.
Sa panayam ng Brigada NewsFM kay Antonio Rivera, sinabi nito na bukod sa kanyang Misis at 11 isang taong gulang na Apo ay may iba pa siyang mga kamag anak na nasawi rin sa paglubog ng naturang bangka at sa ngayon ay hindi pa malaman kung ano ang gagawin parasa mga responsible sa pangyayari.
Nananawagan naman ng tulong si Rivera sa gastusin sa pagpapalibing sa kanyang Asawa at Apo dahil sa ngayon ay wala pang ipinaabot na tulong ang may-ari ng bangka habang may financial assistance namang natanggap mula sa pamahalaang pamlalawigan ng Rizal.
Nabatid na tila kinaugalian naman ng mga mananakay ng Bangka at gayundin ng mga crew ang hindi pagpapalista sa lahat ng mga sakay sa tuwing naglalayag.
#