NBA Billionaire Ishbia, bibilhin ang Suns sa halagang $4 bilyon

Bibilhin ng bilyonaryo na si Mat Ishbia ang National Basketball Association’s (NBA) Phoenix Suns at ang women’s team na Phoenix Mercury sa halagang $4 billion.

Sa ulat, ang deal ay magtatakda ng record sa liga matapos bilhin ni Joe Tsai ang natitirang stake sa Brooklyn Nets noong 2019 sa isang deal na nagkakahalaga ng team sa $2.35 billion.

Inanunsyo ng may-ari na si Robert Sarver ang mga planong ibenta ang koponan noong Setyembre matapos siyang bigyan ng NBA ng isang taong suspensiyon kasunod ng imbestigasyon sa mga alegasyon ng workplace misconduct.

Si Ishbia ay presidente at CEO ng United Wholesale Mortgage sa Michigan.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *