Pinagmulta ng $25,000 ng NBA si Jimmy Butler dahil sa hindi paglahok sa kinakailangang media availability pagkatapos ng Game 3 ng Eastern Conference finals.
Hindi nakipag-usap si Butler sa mga mamamahayag kasunod ng 128-102 na panalo ng Heat noong Linggo na nagbigay sa kanila ng 3-0 lead sa Boston Celtics.

Hindi raw lumabas sa coverage ng NBA TV si Butler kahit na sinabihan siyang mag appear sa postgame press conference.
Kamakailan ng pagmultahin din ng NBA si Memphis Grizzlies guard/forward Dillon Brooks ng $25,000 dahil sa paglabag sa mga panuntunan ng liga na namamahala sa media access.//CA