NBA: Nuggets center Nikola Jokic, tinanghal bilang MVP

Nagtala ng kasaysayan si Denver Nuggets big man Nikola Jokic matapos tanghalin bilang 2020-2021 NBA season Most Valuable Player.

Si Jokic ang kauna-unahang MVP na nagmula sa Serbian league at bilang 41st pick noong 2014, ito rin ang ‘lowest-drafted player’ sa NBA history na nakasungkit ng parangal.

May average itong 26 points, 10 rebounds at 8 assists sa kanyang 52 percent shooting ngayong season.

Tinalo ng Serbian basketball star sa MVP Race sina 2-time awardee Stephen Curry ng Golden State Warriors at Joel Embiid ng Philadelphia 76ers.

Si Jokic ang ikatlong European player na nakakuha ng naturang award na unang nasungkit nina Giannis Antetokounmpo (Greece) at Dirk Nowitzki (Germany).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *