NBA playoffs magsisimula na

All set na ang pinakaaabangang NBA Playoffs kasunod ng pagtatapos ng 2022-2023 regular season.

Nanguna sa Eastern Conference ang Milwaukee Bucks na may 58-24 win-loss record, na sinundan naman ng Boston Celtics sa kanilang 57-25 record.

Kabilang sa mga nakapasok sa East ang Philadelphia 76ers, Cleveland Cavaliers, New York Knicks
at Brooklyn Nets.

Samantala pasok sa play-in tournament ang Miami Heat, Atlanta Hawks, Toronto Raptors at
Chicago Bulls na pag-aagawan ang huling dalawang spots sa Eastern Conference.

Sa Western Conference, number 1 team ang Denver Nuggets sa kanilang 53-29 win-loss card.

Sinundan naman ito ng Memphis Grizzlies, Sacramento Kings, Phoenix Suns, LA Clippers, at Golden State Warriors.

Dadaan naman ang highly favorite na Los Angeles Lakers sa play-in tourney kasama ang
Minnesota Timberwolves, New Orleans Pelicans, Oklahoma City Thunder.

Maghaharap ang Atlanta Hawks at Miami Heat para sa unang post season game ngayong taon sa darating na Miyerkules, April 12, 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *