NBI inatasan ni Remulla na imbestigahan ang pagkamatay ng ADU student dahil umano sa hazing

Ipinag-utos ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa National Bureau of Investigation na imbestigahan ang pagkamatay ng isang Adamson University student na pinaniniwalaang biktima ng hazing.

Ito ang sinabi kahapon ni Justice Department spokesperson Atty. Mico Clavano , makaraaang makarating kay Sec. Remulla ang kaso ng pagpatay kay John Matthew Salilig.

Ayon kay Clavano, kinukundena ng DOJ ang anumang paglabag sa Republic Act 11053 o ang Anti-Hazing Law.

Una nang  nanawagan  si Interior Secretary Benjamin Abalos ng imbestigasyon sa insidente.

Labinlimang persons of interest ang iniimbestigahan na ng mga awtoridad, pito sa kanila ang nakibahagi sa Tau Gamma Phi welcoming rites para kay Salilig.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *