NBI, naaresto na ang suspek na nasa likod pag-hack sa credit card ni Sen. Gatchalian

Kinumpirma ni Senator Sherwin Gatchalian na naaresto na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isa sa mga suspek na gumamit ng kanyang credit card na pinambili ng P1.1 million na halaga ng alak.

Ayon kay Gatchalian, nahuli ng NBI si Julius Anacin, isa sa mga suspek sa likod ng credit card fraud.

Sinabi naman ng senador na ang cybercrime at identity theft ay tumataas na bilang ng profitable “business” ng mga hackers at fraudsters.

Kaugnay nito, hinimok ng mambabatas ang mga otoridad na tiyaking ang credit card fraudsters ay mahahatulan sa full extent ng batas.

Binigyang diin rin nito na kailangang magpasa ng batas na tutugon sa naturang krimen.

Mababatid na si Gatchalian ay naghain na ng Senate Bill 2287 o ang panukalang Financial Products and Services Consumer Protection Act. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *