NCAA Finals MVP Fran Yu, maglalaro para sa Zamboanga sa VisMin Cup

Lalahok si Colegio de San Juan de Letran star Fran Yu sa team ng Zamboanga City para sa Mindanao leg ng Pilipinas VisMin Super Cup.

Sa isang Facebook post noong Miyerkules, ay winelcome ng Zamboanga Valientes si Yu, na Finals MVP ng National Collegiate Athletic Association (NCAA).

Inaasahan naman na mananatili ang eligibility ni Yu sa NCAA sa kabiola ng paglalaro nito para sa isang professional league tulad ng VisMin Cup kung makakakuha ito ng special guest license mula sa Games and Amusements Board (GAB).

Dati nang sinabi ng NCAA na tatanggapin nito ang mga guest licenses para sa kanilang student-athletes.

Base sa ilang ulat, ay tinatayang nasa apat na collegiate players na ang napayagan ng GAB na magpartisipa sa liga.

Nakatakdang magsimula ang Mindanao leg ng VisMin Super Cup sa May 30.

(FEATURED PHOTO FROM: ABS-CBN SPORTS)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *