NCAA Season 96, opisyal nang nagbukas

Opisyal nang nagbukas ang NCAA Season 96 matapos ganapin ang seremonya na virtually, ay dinaluhan ng mga student-athletes mula sa 10 participating schools.

Inaasahang ipi-feature lamang sa liga ang virtual events ng chess, taekwondo, basketball at volleyball.

Magsisilbi bilang slogan ng season ang “Rise Up Stronger” at ito rin ang theme song ng NCAA.

Winelcome naman ni Policy Board president Rev. Fr. Clarence Victor C. Marquez, na O.P. ng host na Colegio de San Juan de Letran ang mga student-athletes.

Ipinunto ni Marquez na kanilang bubuksan ang Season 96 ngayong taon sa ilalim ng better at new normal.

Pinangunahan naman ni Jeo Ambohot ng Letran Knights ang Oath of Sportmanship ng mga student-athletes na aaksyon ngayong season.

Magsisimula naman ang sports activities ng NCAA ngayong araw, kabilang na ang taekwondo poomsae competition mula June 14 hanggang June 17.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *