NCPM nakabantay parin sa pagtitinda ng shellfish dahil sa banta ng red tide toxin

NAGA CITY- Hinahanap na ng maraming consumers ang tahong kahanay ng iba pang shellfish sa Naga City People’s Mall o ang pampublikong merkado ng lungsod.

Subalit sagot ng mga negosyante, wala pang supply dahil sa banta ng red tide toxin sa coastal waters ng Milagros Masbate at Sorsogon Bay na silang pinagkukunan ng supply ng NCPM.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Market Superintendent Mon Florendo, sinabi nitong otorisado silang magkumpiska ng tinda lalo pa kung mapapatunayan na pinalusot lamang ito. Kung may supply man aniya mula sa lugar na hindi apektado dapat may kaukulang dokumentong maipapakita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *