NCPO, naka Full Alert Status sa pagdating ni PBBM ngayong araw

NAGA CITY- Naka full alert status ang Naga City Police Office (NCPO) sa pagdating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr , ngayong araw Marso 16, 2023.

Kahapon nagkaroon na ng dry run para sa paglalatag ng seguridad para ngayong araw hindi lamang para sa Pangulo kundi sa mga kasamahan nito at sa mga dadalo sa mga aktibidad. Nakadeploy ang nasa 800 na mga pulis kasama ang force multiplier.

Nakiki usap si City Director PCOL Nelson Pacalso na pagpasensyahan ang pagsasara ng ilang kalsada kapag dumaan aniya ang mga VIPs pagbigyan muna upang hindi maging mabigat ang daloy ng trapiko.

Ngayong araw gaganapin ang ground breaking ceremonies ng mga proyektong pabahay sa Naga at Camarines Sur partikular na sa Barangay Balatas at sa lupang pag-aaari ng Camarines Sur Provincial Government sa may Panganiban Drive.

Bibisita din sa KADIWA sa Department of Agriculture Regional Office sa Pili, Camarines Sur at dadalo pa sa aktibidad ng DA sa Kapitolyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *