NCR at anim na lungsod nasa critical risk dahil sa COVID-19 – OCTA research

Ikinokunsidera ngayon ng OCTA research group na nasa ilalim ng critical risk dahil sa COVID-19 anim pang mga lungsod maliban sa National Capital Region.

Kabilang sa listahan ng OCTA ay ang Baguio, Naga City sa Bicol, Angeles City sa Pampanga, Santiago City sa Isabela, Dagupan City at Pangasinan, at Lucena sa Quezon.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David nagtala ang naturang mga lungsod ng ‘very high’ daily attack rate kung saan pinakamataas dito ay sa Baguio City na umabot sa 65.14 percent.

Sa NCR patuloy ang pagtaas ng daily attack rate kung saan naitala ito sa 120.16 kahapon mas mataas sa 117.24 na naitala noong nakaraang araw.

Sa kabila nito inihayag naman ng OCTA na bahagyang bumaba ang reproduction number sa Metro Manila sa 3.34 mula sa dating 3.77 record nitong Enero 13.

Leave a Reply

Your email address will not be published.