Patuloy ang pagbulusok ng COVID-19 reproduction rate sa National Capital Region.
Mula sa 0.83 noong nakaraang linggo, naitala ng OCTA research ang 0.61 reproduction rate mula October 2 hangang October 8.
Ayon sa OCTA kung reproduction number ang pagbabasehan, masasabing nasa low risk na ang Metro Manila sa banta ng COVID-19.
Samantala nilinaw naman ni OCTA fellow Dr. Guido David na nasa moderate risk pa rin ang NCR matapos maitala ang 15 attack rate, 13% positivity rate , at Hospital Utilization rate na 53%.