Inihayag ng Malacañang na makakatanggap ng P1,000 hanggang P4,000 na cash aid ang mga low-income residents ng National Capital Region (NCR) dahil sa pagpapatuloy ng enhanced community quarantine (ECQ) bunsod ng COVID-19 pandemic mula August 6 hanggang 20.
Sa gitna nito, sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na hindi nga lang sila sigurado saan ito kukunin.
Ayon kay Roque, inaasahan na tutukuyin ngayon ng Department of Budget and Management (DBM) kung saan kukuha ng pondo para sa cash aid.
Samantala, sinabi naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) na naghahanap sila ng funding sources para sa posibleng tulong para sa mga workers na maapektuhan ng two-week ECQ sa Metro Manila.
Batay kay Labor Undersecretary Benjo Santos Benavidez, hindi pa matukoy ng ahensya kung gagamitin nila ang available budget o hihingi ng karagdagang pondo mula sa Department of Budget and Management. // MHEL PACIA-TRINIDAD
Gitunolan sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) kagahapong adlawa, Huwebes og kinatibuk-ang Php…
Nasungkit nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang bagong titulo bilang Box Office King and…
Arestado ang empleyado sa gobyerno kauban ang laing duha ka indibidwal sa gilusad nga drug…
Sinimulan na ng Senado ang proseso sa citizenship ni Bennie Boatwright para mapasama sa Gilas…
CAMARINES NORTE - Inirekomenda ng Philippine Coast Guard sa Lokal na Pamahalaan na maglagay ng…
Sinuspende ng Philippine National Police ang pagpapabura ng mga tattoo ng mga pulis na nasa…