NCR, isasailalim sa Alert Level 4 simula sa Sept. 16 re: Bagong quarantine scheme

Isasailalim ang Metro Manila sa Alert Level 4 sa gitna ng bagong quarantine scheme ng gobyerno na layung mapigilan ang pagdami sa mga kaso ng COVID-19, habang papayagan ang muling pagbubukas ng mga negosyo para sa second half ng buwan.

Sa ilalim ng Alert Level 4, ang mga may edad 18 taong gulang pababa at mahigit 65 taong gulang pataas, may mga health comorbidities, at buntis ay hindi pinapayagan na makalabas sa kanilang mga bahay.

Sa kabila nito, pinapayagan silang makalabas kung bibili ng essential goods o services o nagta-trabaho sa mga permitted industries.

Ang indoor visitor o tourist attractions, indoor leisure centers, gyms, recreational venues, gaming establishments, mass gatherings, meetings, at staycations ay ipagbabawal rin.

Kauganay nito, papayagan na ang outdoor dine-in services, barbershops, hair spas, nail spas, beauty salons, at physical religious gatherings ng hanggang sa 30% ng kanilang outdoor seating capacity, at 10% para sa indoor capacity, pero para lang sa mga fully vaccinated laban sa COVID-19.

Samantala, ang necrological services naman ay limitado lang sa immediate family members, at kailangan full compliance sa minimum health protocols.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *