NCR Mayors, balak magpapatupad ng uniform ordinance vs. pagbebenta ng COVID-19 vaccines, vaccine slots

Magpupulong ang mga alkalde sa National Capital Region (NCR) para talakayin ang posibleng uniform ordinance laban sa mga indibidwal na nagbebenta ng COVID-19 vaccine o ng vacination slots. 

Ito ang inihayag ni Metro Manila Council (MMC) chair Parañaque Mayor Edwin Olivarez kasunod ng panawagan ng Malacanang sa mga local government units (LGUs) na magpatupad ng nasabing ordinansa. 

Ayon kay Olivarez, susubukan nilang gumawa ng uniform ordinance sa meeting mamayang gabi laban sa nasabing scheme. 

Aniya, batay sa imbestigasyong isinagawa ng kanilang city health office, wala namang nakitang ganitong ilegal na aktibidad sa Paranaque. 

Mababatid na lumutang ang isyu ng pagbebenta ng mga bakuna at vaccine slots matapos na mag-viral ang screenshots ng “under the table” transactions ng pagbili ng vaccine slots sa halagang aabot sa P15,000.

Una nang naglabas ng ordinansa si Manila Mayor Isko Moreno na nagbabawal sa pagbebenta, pamamahagi o pagtuturok ng COVID-19 vaccines para kumita. 

Ang mga mahuhuling lalabag sa ordinansa ay pagmumultahin ng P5,000, makukulong ng di bababa sa anim na buwan, at mare-revoke ang business license.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *