NCR mayors, nagkasundo na taasan ang capacity sa religious gatherings ng 50%

Nagkasundo ang mga alkalde sa Metro Manila na taasan ang venue capacity ng religious gatherings ng hanggang 50%, sa gitna na nais rin nilang luwagan pa ang quarantine restrictions.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos Jr. nasa kamay ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pinal na desisyon kung papayagan ang kanilang rekomendasyon.

Sa ngayon, ang religious gatherings sa Metro Manila ay nasa 30% capacity lang.

Ang Metro Manila ay nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) na may “heightened restrictions” hanggang sa May 31.// MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published.