NCR, posibleng maging Delta resilient na sa mga susunod na buwan – OCTA

Naniniwala ang isang eksperto mula sa OCTA Research na magiging resilient na ang National Capital Region sa Delta variant ng coronavirus sa mga susunod na buwan sa gitna ng vaccination rollout.

Sa isang panayam, sinabi ni Dr.Nicanor Austriaco na batay sa bilang ng mga bakunado nang indibidwal sa National Capital Region (NCR), makikitang magiging resilient na ang rehiyon mula sa mas nakakahawang variant.

Aniya as of kahapon ay 29 percent ang nabakunahan ng unang dose sa NCR, at bawat lokal na pamahalaan ay nakapagbakuna na 20 percent hanggang 70 percent ng kanilang populasyon kaya posibleng sa susunod na isang buwan at kalahati, magiging fully-vaccinated na ang mga indibidwal sa Metro Manila.

Mababatid na una nang sinabi ni deputy chief implementer ng government COVID-19 response Secretary Vince Dizon na nakapagbakuna na ang Pilipinas ng 12 milyong doses ng COVID-19 vaccine.

Target ng bansa na magbakuna ng 50 milyon hanggang 70 milyong katao ngayong taon sa pamamagitan ng pagtuturok ng 500,000 doses kada araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published.