Nagbigay na ng go signal ang liderato ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa dismissal – ‘o ‘yung tuluyang pagsibak sa walong mga pulis na sangkot sa pagpatay sa binatilyong si Jemboy Baltazar.
Ito ay kaunod ng rekumendasyon ng PNP-Internal Affairs Service matapos ang kanilang imbestigasyon hinggil sa kaso.

Pinirmahan na ni NCRPO director BGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang dismissal order para sa mga ito.
Kung maaalala, una na silang naging guilty sa patung-patong na administrative cases laban sa kanila.
Bago ‘yan, nasibak na rin ang buo nilang unit; habang na-relieve din ang kanilang hepe.