NCRPO, naka-full alert para sa Simbang Gabi

Naka-full alert ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga simbahan para sa siyam na araw na Simbang Gabi.

Ayon kay NCRPO chief Police Major Gen. Jose Melencio Nartatez, kapag nagdeklara sila ng full alert; ibig sabihin – lahat ng resources ay gagamitin.

Aniya, tulad na lamang ng walang dapat mag-leave upang tiyakin ang seguridad at makatulog ng mahimbing ang publiko.

Dagdag pa ni Nartatez, kung naka-deploy ang kanyang tauhan sa simbahan ay pinagsisimba na nito sa loob.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *