NEA humiling ng tatlong linggo upang maresolba ang power crisis sa Occidental Mindoro

Humihingi ng hanggang tatlong linggo ang National Electrification Administration o NEA para makapagbigay ng konkretong solusyon sa power crisis sa Occidental Mindoro.

Ito ang sinabi ni NEA administrator Antonio Almeda sa pulong sa kay Sen. Raffy Tulfo, kung saan tinalakay ang kasalukuyang problema sa krisis sa kuryente sa lalawigan na inilagay sa state of calamity dahil sa nararanasang 20 oras na brownout araw-araw sa nasabing probinsiya.

Sa nangyaring pulong, napag-usapan na gagawa ng board resolution ang Occidental Mindoro Electric Cooperative, Inc o OMECO para mangutang sa NEA ng P50 milyon para sa bumili ng bunker fuel bilang pansamantalang solusyon sa nararanasang brownout doon.

Sabi ni Tulfo, humiling na ang NEA ng Certificate of Exemption  sa Department of Energy  para payagan ang OMECO na pumasok sa Emergency Power Supply Agreement.

Kapag nangyari iyon, makakuha na sila ng modular gensets mula sa Singapore na kayang lumikha ng 17 megawatts.

Maliban diyan, hiniling na rin ng NEA sa DMCI Power Corporation na magbigay ng tinatayang 5MW ng elektrisidad mula Oriental Mindoro patungo sa Occidental Mindoro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *