NEA, nag-commit na para ma-energized ang 37 barangay sa Pangatlong Distrito ng Masbate

Makaraang tanggapin ni NEA Administrator Antonio Mariano Almeda ang mga Resolution ng 37 barangay sa pangatlong distrito ng Masbate sa pamamagitan ng Representante nito na si Tonton Kho, nag-commit na ito para sa Barangay Line Enhancement program ng nasabing distrito.

Ayon kay 3D Representative Kho, nagbigay na ng pangako ang NEA para sa mga barangay na walang kuryente at maglalaan ng pondo para sa mga ito.

Ang mga barangay na nagsumite na ng kanilang mga Resolusyon ay uunahin kung saan sa bayan ng Cataingan ay may 15 barangay; isa sa Pio V Corpus; 12 sa bayan ng Placer; 6 sa Uson habang tatlong barangay naman sa bayan ng Cawayan.

Dagdag pa ng mambabatas na hindi lahat ng barangay ay sabay-sabay na makatatanggap ng pondo ngunit ang mahalaga umano ay may mauuna na rito.

Sinabi pa nito na sa loob ng 6 na taon ng Marcos Administration ay mae-energized na lahat ng barangay sa kanyang distrito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *