NEDA, dumepensang ang pagbubuwis sa luxury items ay bahagi ng tax reform ng gobyerno

Dumepensa ang National Economic and Development Authority (NEDA) ang pagbubuwis sa luxury items ay bahagi sa tax reform program ng gobyerno.

Mababatid na iminungkahi ni Albay Representative Joey Salceda ang pagpapataw ng mas malaking buwis sa ilang lines ng luxury items, sa halip na magbuwis ang mga mayayaman tulad sa ipinanukala ng Oxfam Pilipinas sa kanilang report.

Batay sa Oxfam, siyam sa pinakamayamang Pilipino ay may kayamanan na 55 million, ng populasyon.

Dahil sa kanilang findings, nanawagan ang Oxfam sa gobyerno ng Pilipina na magpataw ng buwis sa mga mayayaman sa bansa, dahil ang pagpapatupad umano ng wealth tax ay maaring makataas sa karagdagang kita ng gobyerno na $3.8 billion kada taon.

Pero giit ni Salceda, ang pagbubuwis sa much-needed capital ay magdudulot lang ng mas malaking problema sa halip na solusyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *